Isang Cantor’s Giant Softshell Turtle (Pelochelys cantorii), na Critically Endangered, ang nasagip sa Apayao River sa Pudtol, Apayao matapos itong mahuli ng isang mangingisda.

Pinangunahan ng DENR-CENRO Calanasan at lokal na pamahalaan ang mabilis na rescue operation.

Sinuri ng Provincial Veterinary Office at dinala sa veterinary clinic sa Laoag City ang pagong, na natukoy na may dalang itlog, na patunay ng patuloy na pagpaparami ng species sa ilog.

Ayon sa DENR, mahalaga ang presensya ng pagong bilang indikasyon ng magandang kalagayan ng Biosphere Reserve ng yApayaos.

Hinihikayat ang publiko na i-report at isuko agad ang mga wildlife na nahuhuli upang mapangalagaan at maibalik sa kanilang likas na tirahan.

-- ADVERTISEMENT --