Muling pride para sa mga Pilipino ang nagawa ng Pinoy weightlifter na si Alber Ian delos Santos!

Nakapagtala lang naman ito ng bagong world record sa 71kg category ng clean and jerk event.

Nai-lift ni delos Santos ang 187kg sa 2026 IWF World Junior Championships sa Ismailia, Egypt.

Mababatid na noong Disyembre ng nakaraang taon, nakapagtala ng bagong juniors world record ang 19-anyos na atleta sa clean and jerk (185kg).

Nasungkit nito ang silver medal sa 71kg event sa Southeast Asian Games.

-- ADVERTISEMENT --