
Sampung reklamo na kinabibilangan ng plunder at graft ang isinampa laban sa ilang matataas na opisyal sa Surigao del Sur dahil sa umano’y iregularidad sa paggawad ng mga government contract.
Kabilang sa mga inireklamo sina First District Rep. Romeo Momo Sr., Second District Rep. Alexander Pimentel, Governor Johnny Pimentel, at Carrascal Mayor Vicente Pimentel III, kasama ang ilang opisyal ng DPWH at COA.
Ayon sa mga nagsampa ng reklamo, may kinalaman ito sa umano’y mga kontratang umaabot sa daan-daang milyong piso na nakuha ng mga kumpanyang sinasabing konektado sa mga opisyal habang sila ay nasa puwesto.
Patuloy pang tinutukoy ng mga awtoridad ang mga susunod na hakbang kaugnay ng mga reklamo.










