Naka-full alert na ang Philippine National Police (PNP), simula bukas para sa nalalapit na 2025 midterm elections.

Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, ibig sabihin ay ilalabas nila ang halos buong pwersa ng Pambansang Pulisya upang masiguro na magiging maayos at mapayapa ang halalan.

Sinabi pa ni Marbil na maging siya ay kabilang sa mga mag-iikot para siguraduhin ang latag ng seguridad.

Malaking pwersa aniya ng pulisya ay ipinakalat na sa Bangsamaro region na kabilang sa mga nasa areas of concern ng Comelec.