Iginiit ni Sen. JV Ejercito na tapusin na ang pagdini ng Committee on Women, Children, Family Relations at Gender Equality sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) upang hindi malihis ang imbestigasyon.
Sinabi ni Ejercito na iminungkahi niya kay Sen. Risa Hontiveros, chair ng komite na tapusin na ang pagdinig dahil nagiging talkshow na ito.
Naniniwala si Ejercito na isang international web syndicate ang nasa likod ng POGO at kabilang sa front si dismissed Bamban mayor Alice Guo. Umaasa rin si Ejercito na maging komportable sa executive session si Guo at ihayag sa mga senador ang nasa likod ng POGO.
Muling magsasagawa ng pagdinig ang komite sa Martes kung saan posibleng ituloy ang executive session upang malayang makapagsalita si Guo.