Nanawagan si Pope Leo XIV ng moral na pananagutan sa mga sangkot na bansa sa nagpapatuloy na giyera sa Gitnang Silangan.

Sa kanyang mensahe sa St. Peter’s Squar, nanawagan ang Santo Papa sa lahat ng panig na itigil na ang lumalalim “spiral violence” sa Middle East, kasunod ng pag-atake ng US at Israel sa Iran.

Ayon Santo Papa, kung hindi agad mapipigilan ang paglala ng sigalot, may posibilidad umano na magkaroon ng napakalaking trahedya at mas malalang pinsala.

Kasabay nito, hinimok niya ang mga lider ng nasabing bansa na piliin ang “tapat na diyalogo” kaysa sa dahas at muling pahalagahan ang diplomasya para sa kapakanan ng mga mamamayang naghahangad ng katarungan at kapayapaan.