CTTO

TUGUEGARAO CITY-Nagbigay ng traffic advisory ang Public Order and Safety Unit(POSU)-Tuguegarao kaugnay sa isasagawang “Tug-Sayaw” na isa sa mga napakahalagang aktibidad na Afi-Festival 2019 ngayong araw sa lungsod.

Ayon kay Retired Major Vince Blancad, head ng Posu-Tuguegarao, pansamantalang isasara ang Bonifacio street at ilang parte ng Luna Street mula alas 5:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon.

Aniya, maapektuhan ang mga nasabing daan dahil gagamitin ito sa pagsasayaw kung saan magsisimula sa St. Peter Metropolitan Cathedral hanggang Cagayan Sports Complex.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Blancad ang mga motorista maging ang mga pampasaherong tricycle na iwasan pansamantala ang mga nasabing daan.

Dagdag pa ni Blancad na nakahanda na rin ang mga personnel ng Traffic Management Group kung saan sila’y ipapakalat sa mga pangunahing lansangan para aalalay sa mga motorista.

-- ADVERTISEMENT --