Tinatayang 30 bahay ang tinupok ng apok sa Sitio Living Water sa Barangay Bask Pardo, Cebu City kaninang umaga, Good Friday.

Itinaas ang unang alarma kaninang 9:57 a.am. habang idineklara ang fire out ng 11:27 a.m.

Isa sa mga anggulong iniimbestigahan ng mga awtoridad ay may nag-pot session sa isa sa mga bahay na posibleng dahilan ng apoy.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang dalawang suspek sa nasabing insidente.

Dahil dito, pansamantalang naninirahan ang mga apektadong residente sa isang covered court.

-- ADVERTISEMENT --