
Inihayag ni U.S. President Donald Trump na nagsagawa ang Estados Unidos ng malawakang air at ground strikes sa Venezuela at nahuli ang Pangulong Nicolas Maduro.
Ayon kay Trump, dinala si Maduro palabas ng bansa ng mga elite U.S. forces.
Wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa gobyerno ng Venezuela.
Mariing kinondena ng Defense Minister na si Vladimir Padrino ang presensya ng mga dayuhang tropa at nanawagan ng paglaban.
Nagkaroon ng malalakas na pagsabog sa Caracas at karatig-lalawigan.
Bunsod nito, nagdeklara ng national emergency ang gobyerno at nagmobilisa ng mga sundalo.
May naiulat din na brownout malapit sa mga base militar.
Inakusahan ng U.S. si Maduro ng pamumuno sa “narco-state” at pandaraya sa eleksyon noong 2024.
Itinanggi ito ni Maduro at sinabing layon ng U.S. ang kontrol sa langis ng Venezuela.
Kinondena ng Cuba at Iran ang mga atake at nanawagan ng aksyon mula sa United Nations.
Sa ngayon ay hindi pa malinaw ang legal na batayan ng operasyon ng U.S.
Magbibigay umano si Trump ng karagdagang detalye sa isang press conference.










