
Bad news para sa ating mga motorista dahil inaasahang muling tataas ang presyo ng diesel at gasolina sa susunod na linggo.
Batay sa pinakahuling world trading, posibleng tumaas ng ₱1.90 centavos ang kada litro ng Diesel habang nasa ₱0.75 centavos naman ang kada litro ng gasolina.
At bahagyang bababa naman ang kerosene ng ₱0.20 centavos ang kada litro.
Inaantay na lamang ang pinal na trading ngayong araw at sa linggo ilalabas ang final price estimate at sa Lunes ay pormal ng iaanunsyo ng Department of Energy (DOE) ang presyo nito.










