Pumanaw na si Ozzy Osbourne, ang pioneering heavy metal singer at Black Sabbath frontman kahapon sa edad na 76.

Kinumpirma ito ng kanyang asawa na si Sharon, maging ng kanyang mga anak na sina Jack, Kelly, Aimee, at Louis.

Kasabay nito, humiling sila na respetohin ang kanilang privacy sa pagkakataong ito.

Ang pagpanaw ni Osbourne ay 17 araw matapos ang kanyang performance sa kanyang final show sa Birmingham, England, kasama ang mga dating bandmates sa Black Sabbath sa Back to Beginning benefit concert.

Unang na-diagnose si Osbourne ng Parkinson’s disease noong 2019, kung saan sinabi niya sa isang panayam na isa itong malaking hamon sa kanyang kalusugan.

-- ADVERTISEMENT --

Binansagan si Osbourne na Prince of Darkness at Metal Madman dahil sa kanyang persona at antics.

Matapos ang isang dekada sa grupo, tinanggal si Osbourne mula sa Sabbath, dahil umano sa kanyang substance abuse.

Gayunpaman, inilunsad niya ang kanyang solo career, sa tulong mula sa virtuoso guitarist na si Randy Rhoads, kung saan mas naging matagumpay ito kaya sa Black Sabbath.

Kabilang sa mga sumikat na kanta ni Osbourne mula SA ’80s ay “Crazy Train,” “Flying High Again,” “Shot in the Dark,” “Bark at the Moon” at “No More Tears.”

Noong 1998, pasok sa top-hit sa Billboard Hot 100 ang kanyang kanta na “Close My Eyes Forever,” isang duet kay dating Runaways guitaris Lita Ford.