Lumutang ang usap-usapan na naghahanda na ang oposisyon para sa halalan sa 2028 kasunod ng pribadong tanghalian ng Liberal Party (LP) at Akbayan ngayong linggo.

Ito ay sa gitna ng tumitindi na hindi magandang relasyon nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

Sa kanyang Facebook acoount nitong Huwebes, nag-post si dating Vice President Leni Robredo ng larawan kasama sina dating Senate President Franklin Drilon, Senators Risa Hontiveros, Francis Pangilinan and Paolo Benigno Aquino, Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima, Akbayan Rep. Chel Diokno at dating Budget Secretary Florencio Abad.

Sina Robredo, Drilon, De Lima, Pangilinan, at Abad ay nangungunang figure sa anti-dictatorship sa LP na nagsilbing governing party sa apat na naging pangulo ng bansa, kabilang ang pumanaw na si Benigno Aquino III.

Si Pangilinan ang running mate ni Robredo noong 2022 presidential election, si Bam Aquino ang naging campaign manager ng mga kandidato ng LP, na kilalang ang “pinklawan” tandem.

-- ADVERTISEMENT --

Natalo sila sa Marcos-Duterte “Uniteam,” na hindi naman nagtagal ang kanilang alyansa.

Sina Diokno, De Lima at Hontiveros ay bahagi ng kanilang senatorial slate, kung saan tanging si Hontiveros ang nakapasok sa tinatawag na Magic 12 race winners.

Nananatili si Diokno at Hontiveros sa democratic socialist Akbayan habang si Aquino ay kabilang sa Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino.

Ang nasabing pribadong hapunan ay isang linggo matapos ang 80th anniversary ng LP, ang pangalawang pinakalumang political party, kung saan si De Lima ang inihalal na chair habang presidente naman si dating Quezon Rep. Lorenzo “Erin” Tañada