Ipinaalala ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute sa publiko na ang paboritong banana ketchup ng mga Pinoy ay may mataas na sodium content.
Ayon sa datos ng Phil Food Composition Tables at Food Exhange List ng DOST-FNRI, ang isang kutsara lang nito ay may 279 milligrams ng sodium—katumbas ng kalahati ng inirerekomendang arawang konsumo ng isang malusog na tao na nasa hustong gulang.
Giit ng ahensya na bagamat mahalaga ang sodium sa katawan para sa tamang paggana ng kalamnan, ang labis na paggamit nito ay maaaring magdulot ng altapresyon, na posibleng makasama sa puso at bato.
Kaya paalala nito sa publiko, kung hindi kayang iwasan, bawasan na lamang ang pag konsumo nito.