Naghain ng not guilty si Pastor Apollo Quiboloy sa kasong qualified human trafficking sa Pasig City Regional Trial Court kanina.
Humarap si Quiboloy, ang founder ng Kingdom of Jesus Christ sa korte sa kauna-unahang pagkakataon para sa kanyang arraigment at pre-trial.
Nahaharap si Quiboloy ng nonbailable qualified human trafficking case sa ilalim ng Section 4(a) of Republic Act 9208, as amended.
Isinampa ang kaso sa Pasig City RTC Branch 159 noong buwan ng Abril.
Kabilang sa mga akusado sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada, at Sylvia Cemañes, na nagpasok din ng not gulty plea sa kanilang arraigment.
Kasalukuyang nakakulong si Quuboloy sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center in Camp Crame in Quezon City kasunod ng kanyang pagkaka-aresto noong September 8.