
Inaabangan ngayon ng mga mamamayan ng Nepal ang napipintong pag-upo sa kanilang parliament ng isang rapper na naging politiko.
Base sa inisyal na resulta ng halalan sa Nepal, posibleng mag-landslide win umano ang rapper na si Balendra Sha sa parliamentary elections, ayon sa ulat nitong Sabado, Marso 7, pero hindi pa natatapos ang bilangan.
Isinagawa ang halalan matapos ang anim na buwan ng madugong mga kilos-protesta sa Nepal laban sa korapsiyon.
Sa unang ratsada ng bilangan ay umarangkada umano ang mga boto para sa 35-anyos na si Shah na tumakbo sa ilalim ng Rastriya Swatantra Party.
Posible naman umano na makuha ng kanilang partido ang mayorya ng puwesto sa 275-member parliament ng Nepal.
-- ADVERTISEMENT --










