Nanawagan si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste sa Kongreso na magsagawa ng imbestigasyon sa umano’y koneksyon ni Executive Secretary Ralph Recto at Construction Workers Solidarity party-list Rep. Edwin Gardiola.

Ayon kay Leviste, nagsimula umano ang mga “pag-atake” laban sa kanya matapos niyang imbestigahan ang ilang proyekto ng Department of Public Works and Highways sa Batangas, pati na ang mga kumpanyang iniuugnay sa pamilya Gardiola.

Iginiit ng mambabatas na dapat ding suriin ni Ferdinand Marcos Jr. kung may suporta si Gardiola mula sa loob ng Malacañang, lalo na’t may mataas na posisyon sa pamahalaan si Recto.

Sinabi rin ni Leviste na hihingi siya ng oras sa Kongreso upang ilahad ang umano’y “modus” ng dalawa, kasabay ng pagbabahagi ng larawan ng isang meeting na aniya’y may kinalaman sa usaping pulitikal.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag sina Recto at Gardiola. Gayunman, nagkomento si Recto sa naturang post at tinawag na “crazy” ang mga alegasyon ni Leviste.

-- ADVERTISEMENT --