Iginiit ni dating House Speaker at Leyte 1st District Representative Ferdinand Martin Romualdez na wala siyang nilalabag na batas at handa niya umanong patunayan ito sa tamang proseso, kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) na kakasuhan na ng Ombudsman ang kongresista.

Ayon sa Pangulo kailangan niyang gawin ang nararapat kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y maanumalyang flood control projects. Binigyang-diin ng Punong Ehekutibo na hindi lamang siya Pangulo ng kanyang pamilya o mga kaibigan, kundi ng buong sambayanang Pilipino.Lehislatibong Sangay

Bagama’t masakit ang naging pahayag ng Pangulo para sa kanilang pamilya ayon kay Romualdez ay iginagalang niya ito at kinikilala bilang bahagi ng umiiral na proseso.

Aniya sa buong panahon ng kanyang panunungkulan bilang lingkod-bayan ay hindi siya kailanman humingi ng pabor sa Pangulo.