Pawang kasinungalingan, iresponsable, walang basehan, walang katotohanan at walang magandang idudulot sa bayan.

Ganito inilarawan ni presidential son, House Majority Leader Sandro Marcos alegasyon ng kaniyang tiyahin na si Senator Imee Marcos laban sa kanya at sa kanyang magulang na sina Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr, at first lady Liza Araneta Marcos.

Giit pa ni Congressman Marcos, hindi asal ng isang tunay na kapatid ang ipinakita ni Senator Imee.

Pahayag ito ni Cong. Sandro makaraang, makaraang sabihin ni Senator Marcos sa rally ng INC na gumagamit ng ilegal na droga si PBBM, first lady pati silang mga anak.

Aniya, nakalulungkot ang pagtatraydor sa kanilang pamilya ni Senator Imee na kanyang nirerespeto at may malaking papel sa pagsisimula ng kanyang buhay bilang isang public servant.

-- ADVERTISEMENT --

Masakit para kay Rep. Marcos na humantong sa matinding pagsisinungaling si Senator Imee para sa layunin nitong ibagsak ang gobyerno at isulong ang ambisyon sa politika.

Bunsod nito ay nananawagan si Rep. Marcos sa mamamayang Pilipino na magkaisa at magtulungan para sa katotohanan at huwag nang palakihin ang mga hindi totoong kwento para magpalaganap ng gulo at destabilisasyon.