Patay ang isang retiradong sundalo mula sa Philippine Army atv dalawang iba pa sa pananambang na ikinasugat ng dalawa na kasama ng mga biktima sa Barangay Salunayan, Midsayap, Cotabato kaninang umaga.

Kinilala ni Lt. Col. Oliver Pauya, hepe ng Midsayap police station ang mga nasawi na sina Udin Indaila Dalgan, 31, escort at residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, at Madron Sumlay Endaila Jr., 48, retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines mula sa Barangay Kapinpilan, Kadayanang sa Special Geographic Area (SGA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nasawi din si Rahib Mamental Wahab, 35, tricycle driver mula sa Kadayangan na tinamaan ng ligaw na bala sa nasabing pananambang.

Naniniwala ang mga awtoridad na paghihiganti ang motibo sa nasabing pag-atake.

Sinabi ni Pauya na walang ibang posibleng target sa ambush kundi ang retiradong sundalo dahil sa kanyang dating trabaho sa Army intelligence.

-- ADVERTISEMENT --

Sakay ang mga biktima sa isang itim na Toyoto Fortuner nang sila ay tambangan ng tatlong suspek na sakay sa isang kulay abo na minivan.