Malayang makipag-usap si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga senador na nakadetine rin sa Quezon City Jail, kung gugustuhin niya, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla.

Sinabi ni Remulla na pinayuhan ng mga doktor si Romualdez na mag-ehersisyo nang 30 minuto kada araw. Dahil dito, maaari umano itong lumabas mula sa infirmary ward at pumunta sa mess hall kung saan naroon ang iba pang persons deprived of liberty o PDL.

Kabilang sa mga nakadetine sa QC Jail sina Senators Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta. Gayunman, sinabi ni Remulla na ilang oras pa lamang si Romualdez sa pasilidad kaya hindi pa malinaw kung nais nitong makipagkita sa ibang mambabatas.

Si Romualdez ay nahaharap sa plunder case kaugnay ng umano’y ₱7.2 bilyong kickbacks mula sa mga proyekto ng gobyerno. Patuloy naman niyang itinatanggi ang mga alegasyon laban sa kanya.