
Mananatili muna sa Cardinal Santos Medical Center si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez hanggang sa maglabas ng panibagong kautusan ang Sandiganbayan.
Ayon kay Sandiganbayan Third Division Clerk of Court Atty. Dennis Pulma, hindi pa tapos ang deliberasyon ng korte sa mosyon ni Romualdez na manatili sa ospital dahil sa kanyang iniindang sakit sa puso at utak.
Gayunman, nilinaw ni Pulma na nasa kustodiya na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Romualdez matapos maglabas ang korte ng commitment order para sa kanyang pagkakakulong sa New Quezon City Jail sa Payatas.
BJMP personnel ang pangunahing nakatalaga sa pagbabantay kay Romualdez, habang maaari namang humingi ng assistance sa PNP-CIDG para sa mga usaping seguridad.
Nahaharap si Romualdez sa P7.4-bilyong plunder case kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.
Ipagpapatuloy sa Setyembre 11 ang pagdinig ng Sandiganbayan sa kanyang mosyon para sa hospital detention.









