Naglabas ang Sandiganbayan Fourth Division ng panibagong warrant of arrest at hold departure order laban kina Senador Rodante Marcoleta at dating Anakalusugan Party-list Rep. Michael Defensor kaugnay ng umano’y paglabag sa Presidential Decree No. 46.

Ang kaso ay may kaugnayan sa umano’y pagtanggap ni Marcoleta ng campaign donations bago ang pambansang halalan noong 2025.

Kasalukuyang nakadetine si Defensor sa New Quezon City Jail–Male Dormitory sa ilalim ng commitment order na inilabas ng Sandiganbayan Third Division, na humahawak sa hiwalay na kasong plunder laban sa kanya at sa iba pang akusado.

Samantala, nananatili si Marcoleta sa PNP General Hospital sa Camp Crame matapos umano’y makaranas ng komplikasyon sa kalusugan kasunod ng kanyang pagkakaaresto noong Hulyo 6.