Nagpalabas ang Sandiganbayan Seventh Division ng precautionary hold departure order (PHDO) laban kay Rodante Marcoleta, dating Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, at dalawa pang indibidwal kaugnay ng umano’y P75 milyong campaign donation.

Pinagbigyan ng korte ang kahilingan ng Office of the Ombudsman na pigilan ang mga akusado na makalabas ng bansa habang isinasagawa ang preliminary investigation.

Kabilang sa mga kasong kinahaharap ang plunder, paglabag sa Presidential Decree No. 46 na nagbabawal sa pagtanggap ng regalo ng mga public official, at tatlong bilang ng indirect bribery.

Batay sa reklamo, ang kaso ay may kaugnayan sa umano’y iregular na campaign donations noong 2025 na umabot sa P75 milyon.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Ombudsman sa naturang usapin.

-- ADVERTISEMENT --