Naglabas ang Sandiganbayan Second Division ng 90-day preventive suspension order laban kay Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng kinakaharap nitong graft case sa umano’y anomalya sa mga flood control project.

Inilabas ng anti-graft court ang suspension order sa pamamagitan ng isang resolusyon na may petsang Hunyo 16.

Samantala, sa isang statement, iginiit ng Senador na hindi niya gagamitin ang kapangyarihan ng kanyang posisyon upang protektahan ang sarili laban sa mga alegasyon na kinakaharap niya.

Ayon kay Estrada, nais niyang igalang ang proseso at patunayan ang kanyang sarili sa tamang forum.

Dagdag pa niya, ayaw niyang mabigyan ng anumang pagdududa ang kanyang layunin na sumunod sa legal na proseso at ang mga hakbang na kanyang ginawa ay nakabatay sa kanyang paninindigan at prinsipyo.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod sa kasong graft, nahaharap din si Estrada sa magkahiwalay na mga kaso ng pandarambong at graft sa 5th Division ng Sandiganbayan, na may kaugnayan din sa flood control projects.