
Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat ang suplay ng fuel sa bansa sa kabila ng patuloy na tensyon sa Middle East.
Ayon sa DOE, tinatayang aabot sa 47 araw ang suplay ng petroleum products sa bansa.
Mayroong 44.39 araw na suplay ng gasolina, 47.66 araw para sa diesel at 121.85 araw para sa kerosene.
Samantala, mas mahaba ang tinatayang suplay ng jet fuel na nasa 775.57 araw, habang 54.33 araw para sa fuel oil at 34.49 araw para sa LPG.
Ayon kay DOE Undersecretary Alessandro Sales, nananatiling stable ang physical fuel supply dahil nakahanap na umano ng alternatibong shipping routes ang mga bansang apektado ng tensyon sa Middle East.
Gayunman, inaasahang mananatiling mataas ang presyo ng langis dahil sa sitwasyon sa rehiyon. Bukas, Agosto 25, tataas ng ₱1.08 kada litro ang gasolina, ₱2.31 ang diesel at ₱0.95 ang kerosene.










