
Pormal nang natanggap ng Senate impeachment court ang banko at tax records ni Vice President Sara Duterte at ng kanyang asawang si Atty. Manases “Mans” Carpio kaugnay ng nagpapatuloy na impeachment trial.
Ayon sa Office of the Clerk of Court, apat na bangko ang nagsumite ng mga rekord ni Duterte na nakalagay sa ilang kahon. Kabilang dito ang BDO Unibank, Philippine Savings Bank, Metrobank, at Security Bank Corporation.
Samantala, inihatid naman ng mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang tax documents ni Duterte sa Senado.
Nauna nang naglabas ng subpoena ang impeachment court para sa tax, bank, at Anti-Money Laundering Council (AMLC) records ni Duterte at Carpio, na kailangang maisumite bago ang itinakdang deadline na Hulyo 30, 2026.










