Nanatili sa ilalim ng heightened security ang Senado ilang araw matapos ang napaulat na banta sa seguridad noong Hunyo 9, ayon sa Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA).

Sinabi ni Senate Sergeant-at-Arms Alfred Corpus na hindi lamang ang Senado ang isinasaalang-alang sa kasalukuyang security measures kundi ang kabuuang threat level sa National Capital Region.

Ayon kay Corpus, mananatiling mahigpit ang seguridad sa Senado hanggang sa makitang nag-normalize na ang sitwasyon sa konsultasyon sa mga law enforcement agencies at Armed Forces of the Philippines.

Nilinaw din niya na wala pang natatanggap na banta kaugnay sa nakatakdang impeachment trial sa Hulyo 6, ngunit mananatili ang kasalukuyang security setup sa lugar.

Dagdag pa ng opisyal, palalakasin pa ang security personnel sa pamamagitan ng dagdag na pwersa mula sa OSAA, Philippine National Police, at iba pang allied forces habang nagpapatuloy ang monitoring sa sitwasyon.

-- ADVERTISEMENT --