Inaasahang hindi uli dadalo si Senator Imee Marcos sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ng kaniyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcosa mamayang hapon.

Sa isang video message sa social media, sinabi ni Senator Imee na kung ‘state of the nation’ lang naman daw ang ibig-sabihin ng SONA — alam na raw ng publiko ang kasalukuyang ‘estado’ ng bansa.

Dahil dito, ang tanong niya raw ngayon sa SONA ay: ‘So, Ano Na?’

Sa isa pang panayam, kinumprima ni Senator Imee na hindi siya dadalo sa SONA, kasama ang iba pang minority senators.

Naka-itim din siya sa sesyon sa Senado ngayong araw, gaya nina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, at Seandora Pia Cayetano.

-- ADVERTISEMENT --

Noong SONA 2025, nagdesisyon din si Senator Imee na mag-skip ng SONA ng kaniyang kapatid.