Binigyang-diin ni SP Pro Tempore Tito Sotto na bilang kasama sa naging panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ay ang pagpapalawak sa exemption sa income tax ay naghain siya ng panukalang batas para tugunan ito.

Kaya upang magawa ito, inihain ni Sotto sa Senado ang Senate Bill No. 2338 o mas kilala sa tawag na Expanded Income Tax Exemption Act of 2026.

Layunin ng panukalang ito na isama sa income tax exemption ang mga manggagawang kumikita ng P350,000 taun-taon.

Target naman din niya na masimulan ang pagpapatupad nito sa Enero ng susunod na taon.

Maalala, sa kasalukuyang National Internal Revenue Code of 1997 na inamyendahan sa pamamagitan ng TRAIN Law, ang annual taxable income lang na P250,000 ang exempted sa income tax.

-- ADVERTISEMENT --