
Huli ang itinuturing na high value individual (HVI) sa bayan ng Baggao, Cagayan kahapon.
Kinilala siya ng pulisya na si alyas Boboy, residente ng nasabing bayan.
Hinuli ang suspek sa kanyang tahanan matapos na magpositibo ang isinilbing search warrant ng kapulisan ng Baggao, Philippine National Police-Drug Enforcement Group, Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang PNP units.
Nakuha sa suspek ang dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang pakete ng sigarilyo.
Dinala ang mga nakumpiskang froga at ang suspek sa Regional Forensic Unit 2 para sa kaukulang laboratory examination at drug testing. Sa ngayon, nasa kustodiya na ng PNP DEG SOU2 ang suspek para sa tamang disposisyon at paghahain ng kaukulang kaso.