Nasa kustodiya na ng Senado si Shiela Guo, ang kapatid ni dismisses Bamban Mayor Alice Guo.

Dumating kaninang pasado 2:00 p.m. si Shiela sa Senado matapos ang detention niya sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug, agad na sumailalim sa inventory at medical checkup si Shiela pagdating niya sa Senado.

Inaasahang haharap si Shiela sa pagdinig ng Senado bukas na mag-iimbestiga kung paano nakatakas palabas ng bansa si Alice sa kabila na mayroon siyang arrest warrant at lookout order.

Kasama ni Shiela si Cassandra Ong nang sila ay mahuli sa Indonesia at pinabalik ng bansa noong August 22.

-- ADVERTISEMENT --

Kapwa may hiwalay na standing warrant of arrest ang dalawang kapulungan ng kongreso laban kina Shiela at Ong.

Nasa kustodiya ng Senado si Shiela habang si Ong ay dinala sa kamara.