
Iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang fake advisory na nakasaad ang work at class suspension dahil sa umano’y banta sa seguridad sa gitna ng kaguluhan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.
Sinabi ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., minomonitor na ng PNP Anti-Cybercrime Group ang source ng misleading post, at papanagutin ang mga mapapatunayan na responsable.
Pinaalalahanan ni Nartatez ang publiko na beripikahin muna ang mga impormasyon bago ito ibahagi, upang maiwasan ang misinformation.
Pinabulaanan ng PNP ang kumakalat sa social media post na nagsasabing may nationwide work at class suspension simula ngayong araw hanggang Marso 6.
Ayon sa PNP, ang nasabing abiso ay hindi galing sa anomang ahensiya ng pamahalaan.










