Nagpakamatay umano ang South Korean actress na si Kim Sae Ron.
Ayon sa pulisya ng Seoul, wala silang nakita na puwersahang pumasok sa bahay ng aktres o walang foul play sa kanyang pagkamatay.
Sa briefing sa National Office of Investigation, sinabi ng mga opisyal na ang pagkamatay ni Kim ay suicide at ito ay ituturing na unattended death case.
Matatandaan na inihayag na namatay si Kim noong Lunes sa edad na 24.
Nadiskubre siya ng isa niyang kaibigan na pinangukuan niya na sila ay magkikita bago ang insidente.
Pumunta ang kaibigan sa bahay ni Kim nang hindi siya sinipot sa kanilang usapan, at nakita niya na wala na siyang buhay.
Datingt sikat na child actress, si Kim ay nakilala sa kanyang roles sa mga pelikulang “A Brand New Life,” at “The Man From Nowhere.”
Lumabas din siya sa maraming series tulad ng “Hi! School Love On,” “Can You Hear my Heart,” at “The Queen’s Classroom,” at iba pa.
Siya ay kinasuhan dahil sa pagmamaneho na nasa impluwensiya ng alak noong 2022, kung saan marami siyang natanggap na batikos.
Nawala siya sa mata ng publiko at huli siyang nagpakita sa K-Drama “Bloodhounds” noong 2023.