Nanindigan si Senate President Win Gatchalian na kung siya lang ang tatanungin hinggil sa kinakailangan na bilang ng conviction threshold para sa impeachment trial ay naniniwala siya na dapat sundin ang nakasulat sa Konstitusyon.

Ibig sabihin, 2/3 ng lahat ng miyembro nila sa Senado o katumbas daw ng 16 na boto ang kinakailangan nila bago ma-convict ang isang impeachable official.

Samantala, nang matanong naman ito kung bukas ba siya sa anumang pag-uusap na babaan ito ay hindi niya ito sinagot dahil ayaw daw niya pangunahan ang sasabihin ng prosecution panel o ng mga iba pa niyang kasamahang senador.

Nilinaw naman din niya na sakop pa rin ng suspensyon ni Senador Jinggoy Estrada ang pakikilahok nito bilang senator-judge sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa ngayon, ayon kay Gatchalian, patuloy pa nilang pinag-uusapan sa majority bloc kung si Senador Chiz Escudero ang pauupuin nilang presiding officer sa naturang paglilitis.

-- ADVERTISEMENT --

Pero anya, habang wala pang pinal na desisyon dito ay siya ang mananatiling presider ng impeachment trial laban sa bise presidente.