Pabor si Cagayan Vice Governor Manuel Mamba sa planong pagpapatayo ng kauna-unahang spaceport sa bansa na ilalagay sa Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan.

Ayon sa kanya, magandang oportunidad ang rocket launch dahil malapit ang lalawigan sa equator na mainam bilang launching pad para sa space exploration.

Gayunpaman, nilinaw ng bise-gobernador na hindi ito magdudulot ng malaking trabaho o kita agad para sa lalawigan dahil hindi naman madalas gawin ang paglulunsad.

Sa halip, mas importante para sa kanya ang muling pagbubukas ng ugnayan sa China at iba pang bansa sa Northeast Asia para sa kalakalan at turismo.

Umaasa naman ang bise-gubernador na sa susunod na SONA ay mabigyang-diin ang pagpapabuti ng diplomatikong relasyon sa mga karatig-bansa para sa ikauunlad ng Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --