TUGUEGARAO CITY-Inihatid na sa kaniyang huling hantungan ang sundalo na kabilang sa mga namatay sa naganap na magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu.
Dinaluhan ng mga malalapit na kamag-anak ang libing ni Staff Sergeant Louie Cuarteros ng Brgy. Cataggaman Nuevo,Tuguegarao City, kahapon.
Kaugnay nito, nanawagan ng katarungan ang maybahay ng sundalo na si Carolyn Cuarteros.
Naulila ng sundalo ang kaniyang sampung buwang gulang na anak.
Kasama si Cuarteros sa walong sundalo na nasawi sa kambal na pagsabog sa Jolo,Sulu noong nakaraang araw linggo.
-- ADVERTISEMENT --
Kabilang pa sa mga nasawi ang isang pulis at anim na sibilyan habang 78 ang nasugatan sa nasabing insidente.with reports from Bombo Marvin CAngcang