Kinumpirma ni Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac na ni-recall niya ang tauhan ng Migrant Workers Office (MWO) sa Bahrain na nagtaboy sa Overseas Filipino Workers (OFW) na nanghihingi ng tulong.

Ito ay matapos na mag-viral ang video habang itinataboy ng lalaking MWO staff ang mga dumudulog na OFWs sa gitna ng giyera.

Kaugnay nito, tiniyak ni Cacdac na patuloy ang kanilang ibayong pagsisilbi sa OFWs na may respeto at kababaang loob.

Sa naturang viral video, makikita rin na hinamon pa ng MWO staff ang OFWs na magsumbong sa mga kinauukulan.