Kulong ang isang lalaking itinuturing na street level individual matapos makumpiskahan ng mahigit P150k na halaga ng droga at marijuana at mga bala ng baril sa kanyang bahay sa Brgy. Alimannao, Penablanca, Cagayan.
Ayon kay PMAJ Harold Ocfemia, hepe ng PNP Penablanca, nasa listahan ng drug watch list ng mga otoridad ang pangalan ng suspek na si Alyas Jose at matagal ng minamanmanan ang iligal na aktibidad nito.
Kaugnay nito ay agad nilang isinilbi ang inilabas na search warrant ng korte laban sa suspek kung saan nakuha at nahalughog sa kanyang bahay ang anim na bala ng Caliber 45 na baril at anim pang bala ng 9mm.
Nakumpiska rin ang dalawang medium plastic sachet ng shabu, isang medium plastic na may laman na limang maliliit na sachet ng shabu, tatlong plastick sachet ng marijuan, isa pang malaking transparent sachet na naglalaman din ng marijuana at iba pang mga drug paraphernalia.
Sa pagsisiyasat ng pulisya ay umaabot sa higit kumulang 12 grams ang timbang ng lahat ng mga nakumpiskang shabu na nagkakahalaga ng P81,600.00) habang ang mga marijuana naman ay may bigat na higit kumulang 600 grams na nagkakahalaga ng P72,000.
Samantala, nahuli din sa ikinasang buy bust operation ang isang construction worker na si Alyas Dan, 40 anyos na residente ng Brgy. Nanarian sa naturang bayan.
Nakabili aniya ang nagpanggap na buyer ng higit-kumulang isang gramo ng shabu na nagkakaha P6800 habang nang kapkapan ay nakuha pa sa kanya ang anim na sachet ng shabu na nagkakahalaga naman ng P10,200.
Sa ngayon ay nasa kustodiya ng PNP Penablanca ang mga suspek na nahaharap sa kaukulang mga kaso.