Nagbabala si Sunshine Cruz laban sa fake news.

Kasabay ito ng pagtanggi niya sa mga pahayag na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Atong Ang at siya umano ay nakaranas ng pisikal na pang-aabuso.

Ipinakita ni Sunshine sa kanyang Facebook page ang maraming fake headlines na kasama kanyang mga larawan at si Atong Ang, ang gambling tycoon.

Karamihan sa mga ito ang ilang walang katotohanang mga pahayag patungkol sa kanya, kung saan pinapalabas na nagkaroon siya ng interview tungkol sa pang-aabuso umano sa kanya ni Ang.

Binigyang-diin ni Sunshine na hindi tama ang pagbabahagi ng mga misinformation lalo na kung ang balita ay galing sa kuwestionableng site.

-- ADVERTISEMENT --

Unang lumabas ang tsismis ng romantic relationship nina Sunshine at Ang noong 2024 matapos na makita sila na magkasama sa isang event.

Sinundan ito ng video na naghalikan sila sa isang cockpit arena.

Matapos ang ilang araw, kinumpirma ni Ang ang kanilang relasyon ng aktres, habang nagbahagi naman si Sunshine ng larawan na magkasama sila sa kanyang Instagram page noong Marso.