Dismayado si Public Works Highways Sec. Vince Dizon sa mga nadatnan nito sa ininspeksyon nila ni Independent Commission for Infrastructure (ICI) special adviser Mayor Benjamin Magalong sa flood control project sa La Union.
Sa dikeng ito nakita ni Dizon ang ‘di umano’y ‘super substandard’ na proyekto, partikular sa bayan ng Bauang.
Aniya, tila ba’y kinabit lang at parang props lang ang mga ‘fake tubes’ na mababang kalidad ng materyales na ginamit sa proyekto.
Lumabas din sa mga dokumento na reported as ‘completed’ na ang proyekto noon pang Marso, kahit hindi pa naman ito tapos.
Ang kontraktor nito ay Silverwolves Construction, at nagkakahalaga ng P180-M ang proyekto.
-- ADVERTISEMENT --