Maaari pa ring makapasok nang walang visa ang mga Pilipinong nais bumisita sa Taiwan matapos palawigin ng Taiwanese authorities ang visa-free privilege hanggang Hulyo 2027.

Ayon sa Taiwan Bureau of Consular Affairs, maaaring bumiyahe ang mga Pilipino, gayundin ang mga mamamayan ng Thailand at Brunei, nang walang visa mula Agosto 1, 2026 hanggang Hulyo 31, 2027.

Sa ilalim ng programa, ang mga Pilipino na walang diplomatic o official/service passport ay maaaring manatili sa Taiwan nang hanggang 14 na araw nang hindi kinakailangang kumuha ng visa.

Sinabi ng bureau na inaprubahan ang extension matapos suriin ang epekto at resulta ng visa exemption program.

Ang hakbang ay kasunod ng patuloy na pagpapalitan ng parehong bansa ng visa-free access upang mapalakas ang turismo at ugnayan ng mga mamamayan ng Pilipinas at Taiwan.

-- ADVERTISEMENT --