Patay ang tatlong firefighters at isang public servant sa wildfires sa South Korea.

Dahil dito, nagdeklara ang pamahalaan ng state of emergency sa southeastern regions ng bansa.

Ang sunog na nagsimula sa Sancheong county noong Biyernes ng hapon, ay nagbunsod para mag-deploy ng 304 personnel, kasama ang 20 helicopters ang South Korea.

Ayon sa Interior Ministry, mahigit 200 residente sa 15 lugar ang lumikas.

Kasunod nito, nagdeklara ang Interior Ministry ng state of emergency sa Ulsan at North at South Gyeongsang provinces, bunsod ng matinding pinsala na idinulot ng sabay-sabay na wildfires.

-- ADVERTISEMENT --

Naglabas ang forest agency ng “severe” fire warnings, ang pinakamataas na level. sa 12 lugar, kabilang ang North at South Gyeongsang provinces, Busan at Daejeon.

Isinara na rin ang ilang bahagi ng kalsada sa rehion bilang safety measure.