Huli ang tatlong katao na sangkot sa iligal na droga sa magkakahiwalay na operasyon ng mga pulis ng Cagayan.

Unang nahuli sa buy-bust operation sina alyas Lawrence, 46-anyos at Alyas Jomz, 41-anyos sa bayan ng Abulug.

Bukod sa ibinentang pinaghihinalaang shabu sa nagpanggap na buyer, nakuha rin sa kanilang pag-iingat ang tatlong sachet ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na limang gramo na nagkakahalaga ng P34,000, isang .38 revolver, motorsiklo at iba pang ebidensiya.

Sa bayan naman ng Tuao, nahuli si alyas Popoy, 31-anyos sa Barangay Centro 1.

Samantala, tinutugis ng mga awtoridad ang isang lalaki na kinilalang alyas Jose, 34-anyos matapos na makatakas nang isilbi ang search warrant sa kanyang tinutuluyan sa Maura, Aparri.

-- ADVERTISEMENT --

Nakuha sa isinagawang paghalughog ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at marijuana.