Patay ang tatlong katao, at dalawa ang nasugatan sa banggaan ng isang truck na may kargang mga tubo, at isang pampasaherong van sa Pangantucan, Bukidnon.
Ayon kay Captain Christopher Tuzara Jr., hepe ng PNP Pangantucan, ang ibang biktima ay nahulog pa sa sapa mula sa tulay.
Sinabi ni Tuzara na sa kanilang imbestigasyon, nawalan umano ng preno ang truck na bumangga sa van.
Nasawi ang driver ng van, at dalawa niyang pasahero, habang sugatan naman ang driver ng truck at kanyang pahinante.
Sa lakas ng banggaan, tumilapon malapit sa gilid ng tulay ang van hanggang sa mahulog sa sapa ang ilang biktima.
-- ADVERTISEMENT --
Reckless imprudence resulting to multiple homicide ang kahaharaping reklamo ng driver ng truck.