Patay ang 30 taong gulang na lalaki habang sugatan ang 35 taong gulang na babae at kanyang 20 taong gulang na anak sa pananaksak sa Barangay Barit, Laoag City kamakalawa ng tanghali.

Lumabas sa imbestigasyon ng Laoag City Police, nakaupo ang biktima sa sala nang biglang pumasok ang 45-anyos na suspek at sinasak siyang ng ilang beses.

Pinuntahan din ng suspek ang kwarto ng mag-ina at pinagsasaksak ang mga ito.

Agad naman nahuli ang suspek ng mga rumespondeng barangay officials at pulis.

Isinugod sa ospital ang mga biktima, ngunit nasawi ang lalaki.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, nakuha sa motorsiklo ng suspek ang dalawang plastic sachet na hinihinalang shabu at dalawang bala ng baril.

Nabatid na ang suspek at ang babae ay dating magkasintahan.

Ayon sa PNP Laoag, hinala ng suspek na ang lalaking sinaksak niya ay bagong karelasyon ng babae, matapos nilang maghiwalay ilang linggo lamang ang nakaraan.

Nahaharap ang lalaki sa kasong murder, frustrated murder at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.