Patay ang isang lalaking rider at dalawa niyang backrider na dalawang babae matapos na mabangga ng isang closed van ang sinakyan nilang motorsiklo sa Barangay Tebag East Sta. Barbara, Pangasinan.
Ang mga biktima ay pawang mga menor de edad.
Ayon sa mga awtoridad, sa lakas ng banggaan ay tumilapon ang mga biktima at nagliyab ang motorsiklo.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na ang closed van ang pumasok sa linya ng kalsada ng motorsiklo kaya nangyari ang banggaan.
Sinabi ni Sta. Barbara Police chief Leiutenant Colonel Michael Datuin, walang lisensiya ang lalaking biktima at hindi nagpaalam sa kanyang mga magulang nang gamitin ang motorsiklo ng kanilang kamag-anak.
-- ADVERTISEMENT --
Sinampahan na ng reklamo ang driver ng van.