Pumanaw na si Princess Bajrakitiyabha ng Thailand matapos na ito ay ma-coma ng mahigit tatlong taon.

Inanunsiyo ng royal household ang tuluyang pagpanaw ng 47 anyos na Thai Princess.

Noong Disyembre 2022 ng bigla itong natumba habang nag-eehersisyo kasama ang kaniyang aso.

Sa ginawang pagsusuri ng mga doktor ay nagkaroon ito ng mycoplasma infection sa kaniyang puso.

Siya ang panganay sa pitong magkakapatid na anak ni King Vajiralongkorn.

-- ADVERTISEMENT --

Isinilang noong Disyembre 7, 1978 kung saan nagsanay ito ng abogasya at may dalawang post-graduate degrees mula sa Cornell University sa US.

Nagtrabaho din ito ng ilang panahon sa Thai mission sa United Nations sa New York bago bumalik sa Thailand at nagtrabaho sa Attorney-General’s office sa Bangkok.