Paiikliin ng Thailand sa 30 araw ang visa-free stay para sa mga turista mula sa mahigit 90 bansa at teritoryo, na nakatakdang ipatupad sa Setyembre 15, 2026.

Kabilang sa maaapektuhan ang mga turista mula China, United States at 27 bansa sa European Union.

Sa kasalukuyang polisiya, maaaring manatili nang hanggang 60 araw sa Thailand nang walang visa ang mga kwalipikadong turista.

Ayon sa Thai government, layunin ng pagbabago na maiwasan ang pang-aabuso sa visa system at matugunan ang mga insidenteng kinasasangkutan ng mga dayuhang sangkot sa krimen, kabilang ang droga at human trafficking.

Samantala, palalawigin naman sa 90 araw ang visa-free stay para sa mga turista mula Peru, Brazil at South Korea, mula sa dating 60 araw. Maaari ring humiling ng extension ang mga turista, depende sa pagsusuri at pag-apruba ng immigration officer.

-- ADVERTISEMENT --