Isang nakakaaliw na video ang ibinahagi ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Rep. Leila De Lima sa kanyang Facebook page na nagpapakita ng tunay na laman ng kanyang maleta at paper bag.

Sa video ay makikita si De Lima na naghihila ng maleta at may bitbit na paper bag habang naglalakad sa loob ng Batasang Pambansa.

Nang buksan nya ang maleta ay puno ito ng makapal na mga dokumento kaugnay sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte habang ang paper bag naman ay naglalaman ng libro patungol sa House rules.

Ito ay bunsod ng pagkakadawit ni De Lima ayon kina Atty. Levi Baligod at 18 dating marines sa listahan ng umano’y mga mambabatas na nabigyan ng male-maletang pera mula sa kay dating Congressman Zaldy Co.

Sumunod ay nilinaw ni Atty. Baligod na hindi maleta kundi paper bag lang ang ibigay kay De Lima.

-- ADVERTISEMENT --

Mariin itong itinanggi ni De Lima at sinabing kalokohan, imbento at paninira lang ang naturang alegasyon sa kanya.