
Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi nakabubuti sa ugnayan ng Pilipinas at China ang travel ban ng Beijing laban sa 16 na opisyal ng Kalayaan, Palawan, kabilang ang saklaw ang Hong Kong at Macao.
Ipinataw ang pagbabawal matapos ideklarang persona non grata ng lokal na pamahalaan ang Chinese Ambassador na si Jing Quan dahil sa umano’y panghihimasok at paglabag sa diplomatic protocol.
Ayon sa DFA, karapatan ng bawat bansa ang magpatupad ng travel ban, ngunit hindi ito nakatutulong sa pagpapalakas ng bilateral relations at people-to-people exchanges.
Ang Kalayaan ang nag-iisang munisipalidad ng Pilipinas sa West Philippine Sea, na patuloy na inaangkin ng China sa kabila ng international ruling laban sa kanilang claim.
Patuloy rin ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa dahil sa mga insidente sa dagat, kabilang ang banggaan at paggamit ng water cannon laban sa mga barkong Pilipino.










